REUNION COUNTDOWN

CURRENT UPDATES:

Saturday, February 20, 2010

HIGH SCHOOL POEM by Lemuel Lucena

HIGH SCHOOL

National University ang aking paaralan,
Apat na taon ako'y namuhunan,
Dunong ko'y pinagpuyatan,
Diplomang inaasam aking nakamtan,

Sa aking pagbabalik tanaw,
Sa high school ito ang malinaw,
Dunong ko'y hindi mababaw,
Dahil sa karanasan eto'y umaapaw.

Geometry, Physics at Algebra,
History, Science, English at iba pa,
Kaalaman ko'y nagbigay pag-asa,
Sa kolehiyo ako'y may sandata.

Ngayon tatlong decada na ang nakaraan,
Tila yata nagbago ang aking sukatan,
Kaalaman ko sa mga pinag-aralan,
Tunay ngang sandata ko sa kinabukasan.

Subali't higit pa sa nasabing kaalaman,
Ang dunong ng tao'y maraming pinagmulan,
Karanasan sa pakikisalamuha,
Tunay na yaman na di mawawala.

Pangalan iyo pa bang maalala,
Arellano, Arceo, Antonio, Atienza, Billiones ang kasama,
Katabi si Bansil, Buen, Bumanlag, Caceres, Cinco at iba pa,
Isama si Cordero, Cortez, Cruz, Domingo at de la Cruz dalawa sila,

Huwag kalimutan si Enriquez, Fitero, Frankeza, Labarda at Gallardo
Si Marquez, Marcelino, Panebe, Pimentel at Penalosa ay huwag ipagkanulo.
Pati si Pidlaoan, Reyes, Roldan, Sanchez, Sanidad, Valle at Zamora sa dulo.
Konti na lang at aking ng makumpleto...

Sa aking mga nakalimutan,
Paumanhin mga kaibigan,
Tila ata ako'y tumatanda na
Makakalimutin na gaya nila.

Sila ang tunay na dunong na aking napag-aralan,
Sa panahong kami'y nag aaway at nagtatawanan,
Tunay na yaman na nais kong balikan
Sa Grand Reunion kami'y masisiyahan.

Kasama pa namin ang mga kababaihan,
Dati naming nililigawan at hinahangahan,
Karikitan nila'y di pa rin matatawaran,
Tunay ngang magaganda aming mga kaibigan...

Kaya eto ang paanyaya
Batch 83 ay magkikita
Sigurado akong may ligaya
Sa bawat isang sasama.


LEMLUC (Lemuel V. Lucena)

No comments:

Post a Comment